Tuesday, June 12, 2012

happy 2nd monthsary babe!!!! :D

Disclaimer: Kung lalake lang hanap mo, scroll down na agad sa last 2 vids, bilis! :D
---------

happy 2nd monthsary babe!!!!!

haha charot lang! anong monthsary monthsary? wala nga ako jowa noh, up until now ilang years ng immaculate concepcion ang panganganak ko noh! nabulok na nga sa loob ang aking mga unborn children dahil hindi na mahanap ang susi ng chastity belt ko! haha chos lang :D

kasi naman almost 2 months na akong walang post. sorry naman at nawala ako ng matagal-tagal. kasi naman may na-ospital lang naman.

nanganak na kasi ako finally. healthy naman si baby aljur.

charot!!

may na-ospital lang kasi so kinailangan ko magbantay. kasi naman for more than a week eh trabaho-ospital-slight tulog on the side-trabaho-repeat until ma-coma ang naging peg ko. may wifi nga sa ospital to check on blogs pero supot naman, kelangan tumayo pa sa labas ng room para makasagap ng signal. ayoko nun no, ayoko ng supot! and i'm not talking about penises! wahahaha!! :D

and then after more than a week na ganun, eh nagbakasyon ako for half a week para magtanggal ng naipong stress... but take note! beach nga ito pero hindi mala-puerto galera na kaliwa't kanan eh may mga inuman at puno ng mga lalaking nagpapakita ng kanilang mga umbok at naghihintay ng dilim para makagawa ng milagro sa may batuhan. haha! no, hindi ito ma-tao, walang party party, pero may hotness pa din na camper sa kabila! haha charot!

"If I will compare myself to any place in the world, I will be this... a virgin bitch, este beach! haha charot! :D 

basta, parang survivor mode lang: walang mga resort dito, walang kuryente, walang matinong CR. hindi s'ya beach na di puntahan ng mga tao pero grabe talaga, suuuuuuuper mas maganda pa sa Boracay! walang lang mga bar na nakatayo sa shoreline.. kumbaga virgin ang beach, parang ako lang... hihihi echos!! :D


gugustuhin mo bang gawin ang iyong firstborn child sa nipang ito? ako oo! now na! haha :D

gustuhin ko man na magtagal at hintayan nalang ang aking magiging future husband sa islang ito tapos magkaroon ng madaming anak at tumanda sa piling nila (charot!) eh hindi pupwede dahil madami pa akong kelangang tulungan na mga kabaklaan sa kani-kanilang pagchorva online. haha!

e di dapat naka-net na ako dahil nakabalik na diba? pero hindi pa din. tinamad ako ng bongga. hihihi

na-adik pa ako sa sims3. pero lahat ng sims ko gwapo't malalaki ang braso, at puro kapwa lalaki nila ang kani-kanilang mga jowa! kumbaga balak ko ng gawing isang malaking gay community ang town! haha! buti nalang at hindi nagsi-sims si father dear at kung nagkataon eh naku ni-delete n'ya na ang game na yon. computer pa naman n'ya ang gamit ko! haha! :D


"Will you marry me?"  oh diba habang naka-jock strap? hahaha! :D

tapos na-adik pa ako sa panunuod ng mga got talent got talent na yan online. yes lahat na, britain's got talent, america's, australia's, india's, korea's, at kung anu-anong bansa na, kahit wala ng subtitles skip nalang agad sa talent portion. wahahaha :D

eto isa sa favorites ko... naiyak ako when I first listened to it. yeah i'm a sucker for love songs and talent shows haha. hayyy!



sana may ganito din for me! kahit hindi sa TV, kahit sa kwarto lang n'ya, kakantahin n'ya sakin... tapos pagkatapos pupunitin n'ya na suot ko at ibabato n'ya ako sa kama! tapos sisigaw akong deeeeeeeeepeeeeeeer........... in loooooooooovee!!! haha CHOS! :D

eto isa sa sexy performances from a girl na gusto ko. nope ah hindi ako nagigiging lesbiana! gusto ko talaga ang sexy-ness na nilalabas n'ya: (bastos! haha chos lang)



oh diba? naku pag nagkaroon lang ako ng chance eh mag-aaral ako n'yan plus pole dancing para makapag-perform ako every night sa aking magiging baby daddy! haha charot! :D

another of my faves... contortionist chuva... yah you can say na madami nang ganun pero medyo ginawa n'yang "theatrical" at eerie so more like! eto:



yah medyo nagkamali lang s'ya on some parts pero i loved the whole concept.

pero s'yempre, hindi mawawala ang mga masasarap talagang isabit ng patiwarik sa likod ng MRT!




watdapak!!?!???!? ate nasobrahan yata kayo sa crystal meth! hahaha :D sabi pa ni Simon: "That is my idea of hell." wahaha tumpak!! :D

ok sige sige inaamin ko, tinamad lang ako ng slight, hihihi. pero ngayon i'm back na uli. kinailangan ko lang ng bakasyon :)

teka apat na na-post ko. yung iba next time naman...

at syempre sa pag-explore ko ng youtube, di maiiwasan ang panunuod ng mga hot na boys!!



alejandro... roberto.... mmmmm masasarap sa tenga ko ang mga pangalan na yan.... love those type of guys :)

eto naman may nagbigay lang saken... a year ago pa ito pero nagustuhan ko kasi boys s'ya ng Randy Blue! waaaaaaaaahhh!!! (sa mga di nakakaalam, porn site po s'ya. hahaha very wholesome!)



oh diba, maskulado tapos baklang bakla sumayaw yung iba? haha! pero love ko sila ah... ang type ko talaga dito eh yung 1st guy (na nasa 0:36 din) at yung nasa 0:22 at 0:35!!


photos: beach pics by 2 of my friends na kasama ko. secret ang identity nila.
          sims3 pic taken from here.
*No pictures of any site members were used in this post. If you are the owner and you would like this to be removed, please contact me.
videos are not mine, they are by their respective owners/uploaders:
          videos of Britain's Got Talent contestants from this channel.
          video of Snaked Fashion Show from this channel.
          video of Kylie Minogue Tribute by Randy Blue boys from this channel.
 No guys were harmed in the process of making this post. CHOS! :)